Monday, June 9, 2008

GANAP KA NGA BANG MALAYA?

Mahigit isang siglo na ang lumipas

Mula kay Lapu-lapu, Dr. Jose Rizal, Gen. Emilio Aguinaldo, Andres Bonifacio at iba pa ang nagbuhos ng ubod lakas at buhay

Upang matamo mo ang kalayaan mula sa mapanupil na mga dayuhan

At ika’y naging isang bansang soberanya.

Ngayon sa pagsapit ng iyong ika-110 taong KALAYAAN,

Ikaw nga ba’y ganap na MALAYA?

Patindi ang KAHIRAPAN, SAKIT AT GUTOM ang nararanasan ng mga nakakarami

At ito’y dulot ng KATIWALIAN.

Mga mamamayan naging marunong mandaya kasi ang politiko at serbisyo sa gobyerno ay nangunguna sa kalokohan, lagayan at kamangmangan sa katungkulan.

Na para bang ika’y umiiral lang sa ”KUNG WALANG KATIWALIAN ay WALANG PAMAHALAAN”.

Lumalabas na ang bagong manunupil at matindi mong kalaban ay ang iyong mamamayan.

Mula sa isa, sa kapwa Filipino, ang militar, mga politiko sa gobyerno, mga bulaang relihiyoso at mga sakim sa negosyo.

Pero mula sa malulupit na kamay ng mga Kastila at sa madugong pakikipaglaban sa mga Kano at Hapones sa huli nakamit mo ang tagumpay.

Sa mga nagtangkang ika’y angkinin o gawing alipin ipinakita mo ang iyong katatagan na ika’y hindi mabubuwang.

Ngayon samahan mo ulit kaming tahakin ang PAGBABAGO sa SARILI at ISIPAN upang sumagana at magkaroon ng tunay na KAPAYAPAAN at asenso.

Imulat mo sa amin na ika’y hindi naging makasarili at mapanupil sa kapwa.

Na ika’y naging Malaya mula sa pakikibaka dahil sa pagtutulungan, pagmamalasakit at pagmamahalan sa isa’t isa.

Na ikaw ay karapat dapat maging MALAYA

-sa paghahayag, pananampalataya, pangangailangan at kalayaan mula sa takot.

Maligayang ika-110 taong pagdiriwang ng KALAYAAN mo Bayang mahal!

Mabuhay ka Pilipinas!

No comments: